PUMAYAG | Paggamit ng re-enacted budget sa 2019, aprub kay PRRD

Pumayag na si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin muna ang reenacted budget para sa unang bahagi ng susunod na taon.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, nagkausap na sila ng Pangulo at pumayag itong na huwag nang magpatawag ng special session sa susunod na linggo para talakayin ang proposed 2019 national budget.

Kahapon nang magtapos ang sesyon ng Kongreso para bigyang daan ang Christmas break at muling magbabalik sa January 14, 2019.


Una nang sinabi ni Diokno na irerekomenda niya sa Pangulo na magpatawag ng special session sa Kongreso para matalakay ang proposed 2019 national budget at maipasa bago matapos ang taon.

Facebook Comments