PUMP ATTENDANT, TIMBOG SA PANGUNGUPIT SA PINAGTATRABAHUHAN NA GASOLINAHAN

Arestado ang isang 18-anyos na pump attendant ng isang gasoline station sa San Manuel matapos umanong madiskubre ang halagang ₱6,612 na discrepancy (kakaiba) sa kinokolekta nitong pera sa istasyon.

Ayon sa imbestigasyon, kahapon ng umaga ay nagsagawa ng surprise audit ang pamunuan ng gasolina station. Dito nadiskubre ang umano’y kulang na halaga mula sa ilang araw na pangongolekta nito.

Ayon sa reklamo ng HR officer ng istasyon, kasama ang saksi, nahuli umano ang suspek noong Nobyembre 20 na nagbibigay umano ng pera sa isang tao mula sa koleksyon ng istasyon.

Dinala ng complainant at saksi ang suspek sa San Manuel Police Station kung saan siya ay naaresto at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang inihahanda ang kasong Qualified Theft.

Patuloy namang nagpapaalala ang pulisya na maging mapagmatyag upang maiwasan ang ganitong insidente sa mga negosyo sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments