Pumping station na itinuturong sanhi ng pagbaha sa ilang barangay sa Quezon City, inirekomenda ng QC-LGU sa DPWH na gibain na

Matapos ang pakikipagpulong ng Quezon City local government sa Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR), inirekomenda na ng lokal na pamahalaan na gibain na ang Matalahib Creek Pumping Station sa Barangay Talayan sa Quezon City.

Ang hindi pa natatapos na proyekto sa lugar ang itinuturong sanhi ng pagbaha sa ilang barangay sa lungsod.

Base sa pag-aaral na isinagawa ng Quezon City Engineering Department, ginawa ang naturang proyekto sa non-building area na labag sa water code at civil code.

Nakakahadlang din ang imprastraktura sa daloy ng tubig sa creek mula sa mga barangay papuntang San Juan river.

Maliban dito, hindi rin umano nakipag-ugnayan ang DPWH-NCR sa lokal na pamahalan ng Quezon City para sa naturang protekto na labag sa project coordination ordinance ng lungsod.

Kasabay nito, inihirit ng QC-LCU sa DPWH na gamitin na lamang ang natitirang ₱250 million na pondo sa proyekto sa pagpapatayo ng detention basin na mayroong kapasidad na 65,400 cubic meter na nakaayon sa QC drainage master plan.

Facebook Comments