Manila, Philippines – Transport caravan na lang at hindi na tigil-pasada ang isasagawa ng grupong PISTON bukas.
Ayon kay PISTON National President George San Mateo, isasagawa ang transport caravan mula sa Quezon City hanggang sa Mendiola.
Dagdag pa nito, ang pagkansela ng transport strike ay kasunod ng panawagan ni Senadora Grace Poe na dinggin na lang sa hearing sa Senado ang mga hinaing ng tsuper.
Gayunpaman, maghahanda pa rin silang panibagong transport strike sa buwan ng Enero.
Matatandaang Oktubre nang huling magsagawa ng dalawang araw na tigil-pasada ang ilang transport groups dahil sa pagtutol sa modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan na naging dahilan para isuspinde ng malacañang ang pasok sa mga paaralan at tanggapan ng gobyerno sa buong bansa.
PUMRENO | Tigil-pasada ng PISTON, hindi na itutuloy
Facebook Comments