Pumutok na tubo ng tubig sa EDSA, Quezon City – nagdulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko

Quezon City – Nagdulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko matapos na pumutok ang tubo ng tubig sa kanto ng EDSA at Mother Ignacia Avenue sa Quezon City.

Madaling araw pa lamang nang magsimulang bumagal ang mga sasakyan sa lugar dahil sa madulas at basang kalsada.

Kinumpirma naman ng Manila Water District na pumutok ang tubo sa lugar kung saan nawalan ng tubig ang ilang lugar sa Barangay South Triangle.


Kailangan pa nilang makipag-ugnayan sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para maayos ang tubo at isinara ang isang lane sa EDSA-Mother Ignacia dahilan para sumikip ang daloy ng trapiko.

Facebook Comments