Manila, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon, maaari nang makapagtrabaho sa Czech Republic ang mga Pinoy.
Ayon kay Czech Ambassador to the Philippines Jaroslav Olsa Jr., kailangan punan ng kanilang bansa ang pangangailangan sa sektor ng mga manggagawa.
Kabilang sa mga trabahong kailangan sa gitnang Europa ay ang pagiging driver, manufacturing technician, warehouse manager, warehouse worker, forklift operator, baker, butcher, nurse at caregiver.
Bagaman wala pang pormal na bilateral labor agreement sa pagitan ng Czech Republic at Pilipinas, inaayos na ang mga visa ruling.
Nabatid na kabilang ang Pilipinas sa tatlong bansa na nais kuhanan ng Czech Republic ng mga manggagawa, kasama ang Mongolia at Ukraine.
Pero payo ni Jed Dayang, Charge D’affaires sa embahada ng Pilipinas sa Prague, Czech Republic, maging mabusisi at mag-ingat sa pag-a-apply.