PUNO NA! | Mga pampasaherong bus sa Araneta terminal, fully booked na lahat

Manila, Philippines – Limang araw bago ang pasko ay fully-booked na sa pasahero ang halos ang lahat ng mga bus companies na nasa Araneta bus terminal sa Cubao, Quezon City.

Sa Elavil at Eagle Star bus na pawang may rutang Visayas region, fully booked na mula December 22, 23 hanggang December 24.

Maaga pa lamang kaninang umaga ay nagsimula nang magdatingan ang mga pasahero na mahigit isang linggo nang nakabili ng kanilang tiket.


Karamihan sa mga fully booked ay ang biyahe na papunta ng Samar at iba pang lugar sa Visayas, Bicol Region, Batangas at iba pang lugar sa Southern Luzon.

Pero bagama’t fully booked na, maari pa namang bumili ng tiket pero ito ay chance passenger na lamang gaya sa Eagle Star Bus at Elavil bus.

Ayon kay Araneta bus terminal manager Mon Legaspi, hindi pa ngayong araw ang inaasahang bulto ng malaking bilang ng mga pasahero na magsisiuwi sa ibat-ibang mga probinsya para doon magdiwang ng Pasko.

Batay sa pagtaya ng Araneta bus station, mula bukas hanggang sa darating na araw ng Sabado at Linggo pa ang mas malaking bilang ng darating na pasahero para umuwi ng probinsya

Ganito rin ang sitwasyon sa iba pang mga terminal mg bus na nasa magkabilang panig ng Edsa sa Cubao QC.

Facebook Comments