PUNO NG BAKAWAN PINUTOL

268

PUNO NG BAKAWAN PINUTOL SA SURIGAO DEL NORTE. Illegal na pinutol ang puno ng bakawan sa Sitio Togbungan, Barangay San Roque, Socorro, Surigao del Norte. Kinilala ang hinuling suspek na si Rodrigo Lobapis Maturan, 51 taong gulang, may asawa, isang mangingisda at naninirahan sa naturang bayan. ​Si Maturan ay hinuli ng mga tauhan ng Socorro Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Angel Cadelina matapos magsumbong ang iilang Barangay Officials ng Brgy. San Roque, Socorro. Nakuha mula sa kamay nito ang 9 pinutol na kahoy ng bakawan. ​Sa ngayon ang suspek at ang mga pinutol na bakawan ay nasa kustodiya ng Socorro Municipal Police Station para sa pagsampa ng kaso at nakatakdang iturn-over sa DENR para sa inventory at scaling.

Sent from my iPhone


Facebook Comments