PUNO NG PAG-ASA AT DETERMINASYON | Pangulong Duterte, may mensahe sa mga Pinoy sa pagdiriwang ng Bagong Taon

Manila, Philippines – Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Pilipino na ipagdiwang ang Bagong Taon na puno ng pag-asa at determinasyon.

Sa new year’s message ni Pangulong Digong, sinabi nito na ang korapsyon, kriminalidad, iligal na droga at terorismo ang patuloy na kinakaharap na problema ng bansa.

Pero kumpiyansa ang Pangulo na malalagpasan para rin ang lahat ng hamon dahil sa pagiging matatag ng mga Pinoy.


Umaasa ang Pangulo na magtulungan at manatiling magkaisa ang lahat para sa pagkamit ng layuning maging komportable at produktibo ang buhay ng mga Pinoy ngayong 2018.

Facebook Comments