PUNONG MAHISTRADO | Lucas Bersamin, Diosdado Peralta – tinanggap ang nominasyon

Manila, Philippines – Tinanggap na nina Supreme Court Associate Justices Lucas Bersamin at Diosdado Peralta ang kanilang nominasyon para sa pagkapunong mahistrado.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na isa rin ex-officio miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC).

Ayon kay Guevarra, kahapon ay isinumite na nila Bersamin at Peralta ang mga hinihinging dokumento ng JBC.


Mayroon naman hanggang Oktubre 15 para magsumite pa ng applications at pag-tanggap ng nominasyon para sa susunod na magiging chief justice.

Papalitan ng mapipiling punong mahistrado ang pwesto ng nagretirong si Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro.

Facebook Comments