Nanawagan ang Healthcare Professionals Alliance against COVID-19 (HPACC) sa pamahalaan na dapat matugunan ang pinag-uugatan ng surge ng COVID-19 cases sa bansa.
Ayon sa HPAAC, nakakaalarma na hindi pa rin natutugunan ang mga “critical bottlenecks” at walang ipinatutupad na pagbabago sa mga sistema at proseso.
Naglatag sila ng mga proposals kung saan maaaring buksan ng ligtas ang ekonomiya.
Para sa grupo, walang malinaw na plano ang pamahalaan para ayusin ang puno’t dulo ng problema.
Dahil dito, patuloy na naghihirap ang bansa dahil sa health crisis.
Bagamat napabagal ng mahigpit na lockdown ang pagkalat ng virus, subalit mataas pa rin ang mga naitatalang kaso.
Hiling ng grupo sa pamahalaan na ipatupad ang mga sumusunod:
– Magtatag ng Incident Management Team para sa command and control para sa National Capital Region (NCR)
– Magpasa ng batas para sa data sharing sa pamamagitan ng integrated ICT infrastructure
– I-adopt ang APAT Dapat at magkaroon ng matibay na ventilation measures
– Recalibration ng programa para maabot ang mga itinakdang targets na hindi nakokompromiso ang kaligtasan dulot ng mahahabang pila at pagdagsa ng mga tao sa vaccination areas
– Maglaan ng investment sa social safety nets