PUNUAN NA! | Biyahe ng bus papuntang Quezon, Laguna at Batangas, fully booked na!

Manila, Philippines – Ala-tsamba nalang ang sitwasyon para makasakay ng bus papuntang Quezon, Laguna, at Batangas ngayong December 30.

Sa ngayon sobrang haba na ng pila sa ticketing booth sa Jam transit liner na matatagpuan sa EDSA, Kamias.

Karamihan sa mga pasahero na nakausap natin piniling salubungin ang Bagong Taon sa kanilang probinsya kaya at sinikap nila na makakuha ng ticket.


Ayon kay Joey Bagao, nakaraang buwan pa sila bumili ng ticket.

Samantala, sa kabuuan wala pa naman nagiging problema sa operasyon ng nasabing bus terminal liban lamang sa pag iipon-ipon ng mga pasahero ng dahil sa delay na pagdating ng bus mula sa iba’t-ibang lalawigan.

Paliwanag nila, traffic sa Metro Manila maging sa ibang lugar.
Sinusunod din anila ang tamang bilis sa pagpapatakbo ng bus para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Kapag naipit sa traffic wala na silang balak mag habol sa oras para sa ligtas na biyahe.

Facebook Comments