Sisimulan na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang paghabol sa mga “puppet masters” o mga nasa likod ng pagpasok ng ilegal na droga sa bansa.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang mga ‘puppet masters’ ay mga taga-mando, taga-utos, at taga-tawag.
Karamihan sa mga ito ay nasa Pilipinas habang ang iba ay nasa ibang bansa.
Iginiit din ni Villanueva na mahalagang ma-amyendahan ang Anti-Wiretapping Bill para mabilis na mahuli ang mga ito.
Kapag hindi aniya nahuli ang mga ito, patuloy na makakapasok ang ilegal na droga sa bansa.
Matatandaang nasabat ang nasa ₱5 billion na halaga ng shabu sa Marilao, Bulacan nitong Biyernes at nakumpiska naman ang nasa ₱244.8 million na halaga ng shabu sa Parañaque City nitong Sabado.
Facebook Comments