Puppy Love vs. True Love?

Kayo ba ay nagkaroon na ng crush o na-inlove na? Pano mo nga ba masasabi kung ano nga ba talaga ang inyong nararamdaman?

May dalawang klase ng pagmamahal, ang puppy love at ang true love. Ang puppy love ay nababase lamang sa panandaliang kasiyahan. Ito ay hindi masasabing seryosong relasyon. Ito ay madalas na nararamdaman pag nagkakaroon tayo ng mga crush. Madalas din ito ay nakabase lamang sa panlabas na katauhan ng isang tao. Ito ay nararamdaman ng isang tao na hindi pa handa pumasok sa isang pang matagalan o seryoso na relasyon.

Ano naman ang true love? Ang true love ay nakapokus sa kalooban ng isang tao. Ito ay isang namuong malalim na pakiramdam patungo sa isang tao.  Sa relasyon na ito ay mahalaga ang kasiyahan ng bawat isa at tulungan ang isa’t isa sa lahat ng sitwasyon.


Paano natin malalaman kung ano nga ba ang pagmamahal na nararamdaman natin? Ano ba ang pinagkaiba ng puppy love sa true love?

 

Puppy Love

  • Mas gusto ang labas na kaanyuhan
  • Panandalian lamang
  • Sariling kaligayahan lamang ang naiisip
  • Isang emosyon lamang
  • Hindi sigurado
  • Hindi kaya magtiwala
  • “I want you”
  • Nagsimula lamang sa crush
  • Wala masyado pakielam

 

True Love

  • Mahal ang tao sa panloob na kaanyuhan
  • Pang matagalan
  • Iniisip ang kaligayahan ng isa’t isa
  • Committed ka sa isang tao
  • Sigurado ka sa pinapasok mong relasyon
  • May tiwala
  • ” I love you “
  • May pinagsamahan
  • Gumagawa ng oras para sa isat isa

 

Ilan lamang ito sa mga katangian ng puppy love at true love. Marami pang ibang katangian para malaman ano nga ba ang pinagkaiba ng panandaliang pagmamahal sa pagmamahal na pang matagalan.

Tandaan natin na wag tayong pumasok sa isang relasyon nang hindi natin sigurado kung ang nararamdaman ba natin ay puppy love lamang. Ito ang mga katangian upang makatulong sa inyo sa pag lalahad kung ano ba talaga ang inyong nararamdaman.

 

Article written by Alyssa Mata

Facebook Comments