PUPWERSAHIN? | Mga taga-oposisyon, nababahala na ipitin ang pondo ng mga distrito para pumabor sa Cha-Cha

Manila, Philippines – Nangangamba ang mga taga-oposisyon na posibleng i-hostage ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pondo sa kanilang mga distrito kung hindi susuportahan ang Charter Change.

Ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice, tiyak na ipapanakot ang `zero budget` sa mga mambabatas para mapwersa sila na sumunod sa kagustuhan ng supermajority at ng administrasyon.

Minsan na ring ginawa ng Speaker na alisan ng infrastructure budget ang ilang kongresista sa ilalim ng 2018 National budget.


Sinabi ni Erice na posibleng maulit ito at walang duda na talagang `rubber stamp` ng gobyerno ang Kamara.

Kung matuloy ito, tiyak na isang Alvarez Constitution ang mangyayari dahil gagamitin laban sa mga kongresistang kontra sa Cha-Cha ang mga budget para sa kanilang mga distrito.

Facebook Comments