Purok 5 at 6 ng Lower Bicutan, Taguig, isinailalim sa ECQ

Inilagay sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Purok 5 at 6 ng Lower Bicutan, lungsod ng Taguig ngayong araw, Hunyo 17, 2020.

Ito ay kinumpirma ni Taguig Mayor Lino Cayetano.

Aniya, tatagal ang ECQ sa naturang lugar mula ngayong araw hanggang July 1, 2020, alas-6:00 ng gabi.


Dagdag pa niya, ito ay base naman sa rekomendasyon ng Epidemiology and Disease Surveillance Unit (EDSU) ng lungsod matapos gawin nito ang clustering ng confirmed cases ng COVID-19 sa nasabing lugar.

Sinabi naman ng Alkalde, ipinaalam na ito sa mga residente nito bago pa ipatupad ang ECQ sa naturang lugar ng Lower Bicutan.

Dahil dito aniya, kontrolado muna ang galaw ng mga residente nito pero hindi kasama rito ang mga Authorized Person Outside the Residence (APOR).

Batay sa tala ng EDSU, ang baranagy Lower Bicutan ay mayroong 53 kaso ng confirmed cases ng COVID-19, kung saan tatlo rito ang nasawi at dalawa naman ang nakarekober na, habang nasa 224 ang mga suspected cases sa nasabing barangay.

Facebook Comments