PUROKALUSUGAN, INILUNSAD SA BAYAN NG CABAGAN

CAUAYAN CITY- Inilunsad ng Local Government Unit of Cabagan sa pamamagitan ng Rural Health Unit ng Cabagan ang PuroKalusugan sa Brgy. Cubag, Cabagan, Isabela.

Katuwang ng lokal na pamahalaan ang iba’t ibang municipal offices at ahensya ng Cabagan upang ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan.

Layunin ng programang ito na mas mapadali at mapabilis ang pag-access ng mga residente sa mga pangunahing serbisyong pangkalusugan.


Ang PuroKalusugan ay bahagi ng Department of Health’s 8-Point Action Agenda, na may temang “Bawat Pilipino Ramdam ang Kalusugan,” na nagsusulong ng isang Bagong Pilipinas, kung saan itinuturing na mahalaga ang bawat buhay.

Kabilang sa mga aktibidad na isinagawa sa ilalim ng programang ito ay ang House to House Visit, Catch-up Immunization, Prenatal Check-ups, Medical Check-ups, Nutrition Check-ups, Mobile Medical Laboratory, at IEC/Advocacy (Information, Education, and Communication).

Ang mga aktibidad na ito ay naglalayong tiyakin na ang mga mahahalagang serbisyong pangkalusugan ay naaabot at maiparating sa bawat Purok sa bawat barangay.

Facebook Comments