Manila, Philippines – Umaasa ang Department of Finance (DOF) na maaaprubahan sa kongreso ang panukalang tax amnesty bill sa susunod na buwan.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Domiguez, pursigido ang gobyerno na maipasa ang sumusunod na packages ng comprehensive tax reform program para masuportahan ang massive infrastructure program ng bansa.
Kapag naipasa ng kongreso ang panukala sa itinakdang panahon, agad ding ipatutupad ang programa ngayong taon.
Sa ilalim ng panukala, palalakasin ang revenue administration at tax collection sa pamamagitan ng pagbibigay ng amnestiya sa lahat ng hindi nabayarang internal revenue taxes na ipinataw ng gobyerno.
Facebook Comments