PURSIGIDO | Panukalang mandatory 20% student discount, isasalang sa deliberasyon

Manila, Philippines – Pursigido ang House Committee on Transportation na ipasa ang panukalang gawing mandatory ang 20% discount sa pamasahe ng mga estudyante sa lahat ng pampublikong transportasyon.

Ayon kay Panel Chairperson, Catanduanes Representative Cesar Sarmiento, lusot na ito sa technical working group level at tatalakayin na ito ng kanyang komite ngayong linggo.

Layunin aniya ng panukala gawing magaan sa bulsa at mabigyan ng ginhawa ang mga mag-aaral na mananakay kasabay ng tumataas na presyo ng mga bilihin at pag-angat ng cost of living.


Target nilang maaprubahan ito ngayong Miyerkules, December 5, 2018.

Sisiguruhin din ng komite na kokonsultahin nila ang lahat ng stakeholders, kabilang ang aviation, land, sea at rail sectors.

Matatandaang pasado na sa ikatlo’t huling pagbasa ng Senado ang panukalang bersyon nito.

Facebook Comments