Pasay, City – Patay ang isang pusa matapos hatawin ng kahoy ng mga binatilyo na nakatambay sa brgy. 66 zone 8 Pasay City.
Sapul sa CCTV camera ang pagpatay sa walang kamuwang muwang na pusa.
Ayon kay brgy. Chairman Lennon Tawat mag aalas-dos ng madaling araw ng Martes ng mangyari ang insidente.
Hindi lang din aniya isang beses na ginawa ito ni alyas Toto Tenorio kaya tutuluyan na nya itong sampahan ng kaso.
Napanood naman ng magulang ang CCTV at nakiusap na wag ipakulong ang anak.
Ayon sa brgy. chairman posibleng makulong ng 6 na taon at magmulta ng hanggang isang milyong piso ang binatilyo dahil sa pang-aalisputa sa pusa.
Facebook Comments