Pusa sa Belgium, tinamaan ng coronavirus

Stock photo

BRUSSELS, Belgium — Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang pusa matapos mahawaan ng sarili nitong amo, ayon sa Belgian health authorities noong Biyernes.

Nakitaan umano ng karaniwang sintomas ng COVID-19 ang naturang hayop — tulad ng hirap sa paghinga at pagtatae — isang linggo mula nang magkasakit ang amo nito.

Taliwas ito sa unang napaulat na dalawang aso sa Hong Kong na nagpositibo rin sa coronavirus, ngunit hindi nagpakita ng kahit anong sintomas.


“The cat had diarrhea, kept vomiting and had breathing difficulties. The researchers found the virus in the cat’s feces,” ani Professor Steven Van Gucht ng Faculty of Veterinary Medicine sa Liege.

Una nang sinabi ng mga awtoridad na madalang ang ganitong kaso at hindi dapat pangambahan ang paghawa ng virus mula sa mga hayop.

“We want to stress that this is an isolated case. The risk of animal-to-human transmission is very small,” giit ni Van Gucht.

“Animals are not vectors of the epidemic, so there is no reason to abandon your animal,” pahayag naman ng National Council for Animal Protection (CNPA) ng Belgium.

Facebook Comments