Hindi tao, pero certified na crowd favorite sa Munisipyo ng Dasol ang isang munting “opisyal” na may nakakatuwang titulo, siya si Salty ang pusang kinilalang “Head of Meow-nicipal Affairs.”
Araw-araw, hatid ni Salty ang good vibes sa mga empleyado at bisita ng munisipyo. Mas lalo pa siyang kinagigiliwan dahil may sarili itong ID, na lalong nagpapatibay sa kanyang espesyal na puwesto sa opisina.
Bukod sa pagiging kaaya-ayang kasama, kilala rin si Salty bilang masipag na “tagamasid” at maaasahang katuwang sa “mouse control.”
Dahil dito, hindi lang siya simpleng alagang pusa, kundi isa ring munting dahilan ng dagdag-ngiti at saya sa araw-araw na takbo ng serbisyo sa Munisipyo ng Dasol.
Kaya naman sa mga mapapadpad sa munisipyo, isang kakaibang saya at good vibes ang hatid ni Salty sa sinumang makakasalamuha niya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










