Pusher, kalaboso sa buy-bust ng mga otoridad sa General Santos

General Santos City – Kalaboso ang isang notadong pusher na kinilalang si Ronelio Dalogdog, 28, residenti ng Espina Farm, Barangay Labangal Gensan sa isinagawang buy bust operation ng City Enforcement Agency (CDEU) sa area ng Pioneer Avenue, Barangay West Gensan.

Ala 1:00 ng madaling araw kanina ng isinagawa ang operasyon laban sa suspek matapos nakatanggap ng report ang CDEU tungkol sa iligal activity ng suspek. nagsagawa agad ng Test Buy ang mga kasapi ng CDEU at nang nag positibo, agad na isinagawa ang buy bust operation.

Nakunan ng (8) sachet ng pinaniniwalaang shabu at P500.00 na marked money ang nasabing suspek.


Paglabag sa sec. 5 at sec. 11 ng Art. II ng RA 9165 ang kakaharapin ng suspek na kasalukuyan nang nakakulong ngayon sa detention cell ng police station 1.

Facebook Comments