PUSPUSAN NA | Bangus Festival 2018 Pinaghahandaan na!

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Dagupan City sa nalalapit na Bangus Festival 2018 na inaasahan na ang mga highlights ay gaganapin sa buwan ng Abril.

Sesentro ang tema ng festival ngayong taon sa Pamilya alinsunod sa Executive Order na inilabas ng City Mayor na nagdideklarang Year of the Family ang 2018. Ayon sa City Tourism Office kaliwa’t kanan na ang paghahanda ng mga departamento at festival committee para sa inaabangang Bangus Festival 2018. Isa nga sa magiging bagong attractions ng nasabing festival ngayong taon ay ang mga water activities sa Bonuan Tondaligan Beach para narin sa promosyon ng nasabing site ng siyudad.

Tiniyak na magiging masaya ang Bangusan Street Party na siyang pinaka highlight ng festival taon-taon dahil narin sa mga bandang darating upang makisaya. Sa ngayon kabilang na sa listahan ng mga bandang siguradong dadalo ang Silent Sanctuary, IV of Spades, Ben&Ben, December Avenue at Parokya ni Edgar. Kasama rin sa listahan ang EX Battalion na nanalo sa winning poll noong January 18.


Sa ngayon, nasa walumpong porsyento na umano ang kahandaan ng Dagupan City ayon sa City Tourism Office. Sa buwan ng Marso, opisyal ng ilalabas ang mga pinal na kaabang-abang at tiyak na pag-uusapang mga aktibidad sa Bangus Festival 2018.

Makikisaya ka ba sa Bangus Festival 2018?

Photo-credited to Mayor Belen T. Fernandez facebook

Facebook Comments