Manila, Philippines – Ibinida ni DILG OIC at Over all Chairman ng Committee on Security, Peace and Order and Emergency Prepareness and Response na Catalino Uy na beterano na ang Pilipinas sa mga major events gaya ng ASEAN Summit.
Ayon kay Uy, mula sa paghohost ng South East Asian Nations Games o SEA Games noong 1981, 1991 at 2005; Asia Pacific Economic Cooperation meeting noong 1996 at 2015 at Papal visit noong 1981, 1995 at 2015; at 50th ASEAN Anniversary Grand Celebration at iba pang ASEAN events lalo na ang pagbibigay ng seguridad sa mga delegado at Head of State na dadalo sa naturang okasyon.
Paliwanag ni Uy, mula 45 pagpupulong na naitala sa ASEAN National Organizing Council National calendar umakyat na sa kabuuang 282 meetings sa ibat ibang panig ng bansa ang naitala at iba pang may kaugnayan aktibidades na dadaluhan ng mga delegado at mga Head of States.
Giit ni Uy na anim na beses na doble ang laki sa 46 na meetings na ginanap noong APEC 2015, kayat puspusan ang kanyang ginagawang paghahanda upang hindi mapapahiya sa buong mundo ang Pilipinas sakaling mayroong hindi inaasahang mangyayari sa mga delegado at pinuno ng mga ibang bansa.