Nagsagawa ng malawakang koordinasyon ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City katuwang iba pang tanggapan at law enforcement agency para sa inaasahang pagdating ng Tropical Storm Uwan.
Tinalakay ang paghahanda ng mga barangay, paaralan, at tanggapan para sa posibleng epekto ng malakas na ulan, pagbaha, at matinding hangin.
Kabilang dito ang paglalaan ng evacuation centers, paghahanda ng relief goods at emergency equipment, pagpapatupad ng traffic at safety protocols, at maagang koordinasyon sa barangay officials at rescue units.
Kaugnay nito, hinimok ng mga tanggapan ang Dagupeño na makiisa sa paghahanda upang makaiwas sa posibilidad ng malalang pinsala sa mga ari-arian.
Facebook Comments









