Puspusang pagsasanay sa mga Filipino worker, ipinangako ni PBBM sa mga Japanese investor

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Japanese investor na nagpupursige ang gobyerno ng Pilipinas para mas sanayin ang mga Filipino worker.

Ito ay upang manatiling competitive sa harap ng new global economy at technological advances.

Ang pahayag ay ginawa ni Pangulong Marcos sa kaniyang roundtable discussion sa mga semi-conductor, electronics at wiring harness companies sa Japan.


Ayon sa pangulo, malinaw na ang world economy ngayon ay malayo na sa dating traditional industrial activities dahil sa kasalukuyan, ito ay nasa high technology world na.

Sinabi pa ng pangulo, ito ang dapat paghandaan ng Pilipinas kaya tiwala siya na kapag mayroong tamang pagsasanay at tulong para sa mga Filipino workforce ay kakayanin ng bansang makapag-provide ng technical manpower na kakailanganin para sa new economy.

Facebook Comments