Apat na araw nalang, muli nang magbabalik ang Voter’s Registration sa darating na ika-12 ng Disyembre hanggang ika-31 ng Enero sa taong 2023 kung saan ito ang anunsyo ng Commission on Elections o COMELEC.
Isasagawa sa lungsod ng Dagupan ang puspusang satellite voter’s registration sa mga piliing paaralan, mall at sa mga barangay hall sa lungsod upang maging katuwang ng ahensya sa pagpaparehistro ng mga residenteng hindi pa nakapagrehistro, sa mga nais mag-renew, reactivation, sa mga nais lumipat ng ibang voter center at kung anu ano pa.
Sa isang media briefing kahapon, sinabi ni Atty. Michael Franks Sarmiento, ang Election Supervisor ng COMELEC Dagupan na target umano nila ang mga kabataang hindi pa nakapagrehistro mula edad 15 pataas kung kaya’t isasagawa ang satellite voter’s registration sa mga paaralan kung saan nasa 6,000 indibidwal pataas ang target na magparehistro.
Aniya, isasagawa ang Pilot Voters’ Registration sa Pugaro Integrated School bilang unang paaralan na bisitahin ng COMELEC kung saan aniya wala naman daw magiging problema dahil nakipag -ugnayan na ito sa mga paaralan na magkakaroon ng per section ng registration upang hindi magulo o magdulot ng problema sa paaralan.
Suportado naman ng mga paaralan ang mithiin ng COMELEC dahil kailangan umano ito ng mga hindi pa nakapagrehistro.
Samantala, kailangan lamang magdala ng kabataan ang valid id o school id o kung wala naman ay kailangan lang ng certificate of residency.
Nakiusap naman ang ahensya na makiisa sa muling isasagawang nationwide na voter’s registration. |ifmnews
Facebook Comments