Pustahan ng dalawang lalaki sa NBA finals, umabot sa barangay hall

Zamboanga Del Sur, Philippines – Dalawang lalaki ang gumawa ng kontrata para kanilang pustahan sa nakatakdang game 3 ng NBA finals bukas sa bayan ng Mahayag, lalawigan ng Zamboanga Del Sur.

Nagtungo sa POBLACION barangay hall ang magkakapitbahay na sina John Reign Carreon at Ave Mark Ayco upang pamirmahan sa kanilang punong barangay ang kanilang ginawang draft contract.

Umabot sa P10,000 ang sugal ng dalawang lalaki para sa laro bukas ng Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers.


Sa ngayon, pirma nalang ng kanilang barangay kapitan ang hinihintay ng dalawang magkakaibigan.
DZXL558, Kenneth Bustamante

Facebook Comments