Agaw-pansin ang ilang kabaong na nakakalat sa ilang matataong lugar sa Metro Manila.
Sa Makati, isang puting kabaong ang nakabalandra sa Southbound ng EDSA-Guadalupe partikular sa Guadalupe Bridge.
Ganito rin ang itsura ng kabaong na namataan din sa bahagi ng Boy Scout Circle sa Timog, Quezon City.
Kalakip ng mga ito ang mensahe tungkol sa umano’y limang dekada nang panlilinlang ng rebeldeng grupo na Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na nagdiriwang ng kanilang ika-52 Founding Anniversary ngayong araw, Marso 29.
May tarpaulin din na nakalagay sa mga kabaong kung saan makikita ang larawan ng mga estudyanteng umano’y namatay dahil sa panlilinlang ng teroristang grupo.
Makikita naman sa salamin ng kabaong ang larawan ni CPP-NPA Founder Jose Maria Sison kung saan ginawang kalahating bungo ang mukha nito.