Nananatili pa rin ang puting kabaong na inilagay sa gitna ng Guadalupe Bridge Southbound na sakop ng lungsod ng Makati.
Ayon sa mga nakasaksi, kagabi pa ng pasado alas-10:00 inilagay ang nasabing kabaong.
Sa nasabing kabaong, makikita ang nakasulat na “limang dekada ng panlilinlang salot sa Pilipinas ilibing na ang kasamaan ng mga teroristang CCP-NPA-NDF.”
May tarpaulin din na may larawan at pangalan ng sampung estudyanteng napatay dahil umano sa panlilinlang ng nasabing mga rebeldeng grupo.
Nilagyan ng kandila, lagayan ng pera at maliit na rosaryo ang ibabaw ng kabaong kung saan nakadikit ang lawaran ni Jose Maria Sison na kalahating mukha at bungo.
Agaw atensyon naman ang nasabing kabaong sa mga dumaraang motorista sa Guadalupe Bridge Southbound ngunit hindi naman ito nagdudulot ng trapiko sa nasabing lugar.