Puting van ginamit na get away vehicle sa pamamaril sa Pangasinan, biktima patay

229

Dead on arrival ang isang lalaki ng pagbabarilin ito ng dalawang katao lulan ng puting van sa Barangay Cayanga San Fabian Pangasinan sabado ng hapon.
Kinilala ang namatay na si Lyndo Balen, 35 anyos.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpunta ang biktima sa isang laundry shop upang kunin ang ipinalabang damit ng sundan ito sa loob ng shop ng dalawang kalalakihan bitbit ang naglalakihan umanong baril.
Dito na pinaputukan ang biktima na nagresulta sa pagkakamatay nito.
Isang 11- anyos na babae pa ang nadamay sa insidente ng tamaan ito ng splinter.
Agad na dinala ang menor de edad sa pagamutan na nagtamo ng sugat sa kaliwang bahagi ng hita.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing pamamaril. ###

Facebook Comments