PUTOL NA KATAWAN, NAKITANG PALUTANG-LUTANG SA BAYAN NG JONES

CAUAYAN CITY – Isang putol na katawan ang natagpuang palutang-lutang sa Ilog Cagayan na sakop ng Brgy. Lacab, Jones, Isabela.

Ayon sa ulat ng PNP Jones, isang tawag mula sa isang concerned citizen ang kanilang tungkol sa nasabing katawan kung kaya’t agad silang nagsagawa ng imbestigasyon tungkol sa hindi pa nakikilalang bangkay.

Tanging ibabang bahagi na lamang umano ng katawan ang kanilang narekober kung saan ay may suot itong itim na underwear na may tatak na Lacoste.


Agad namang dinala ang bangkay ng biktima sa punerarya sa Brgy. San Isidro, Jones, Isabela habang nakipagtulungan naman ang kapulisan sa Santiago City Forensic unit para sa pagsasagawa ng autopsy.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.

Facebook Comments