Putol na Paa ng Tao, Narekober sa Sapa!

*Cordon, Isabela- *Sinusuri na ng mga otoridad kung kaninong parte ng katawan ang kanilang narekober na putol na bahagi ng paa sa ilalim ng tulay ng Brgy. Malapat, Cordon, Isabela.

Ganap na alas nuebe kaninang umaga nang makatanggap ng tawag si PLt Visitacion ng Santiago City Mobile Force Company mula sa isang concerned citizen kaugnay sa nakitang putol na kanang paa ng tao sa Malapat Bridge.

Ang narekober na putol na paa ay naka-bandage na ibinalot sa plastic at inilagay sa isang karton na hinihinalang itinapon sa sapa sa nasabing tulay.


Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon at pagsusuri ng mga otoridad hinggil sa narekober na parte ng katawan ng tao.

Facebook Comments