ROSALES, PANGASINAN – Huli ang isang Public Utility Vehicle driver matapos nitong magpositibo sa isinagawang random drug testing na isinagawa ng Land Transportation Office sa bahagi ng Provincial Highway sa Brgy. Carmay East.
Isinagawa ang operasyon ng LTO Region 1, HPG, Urdaneta Forensic Unit, LTO Central Office, 5th District Municipal Police Stations at Rosales Police Station ang OPLAN LIGTAS sa Kalsada Kontra Droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Nakilala itong si Joel Sipat Clarete, 41 anyos at residente ng Brgy. Bisuac, Urbiztondo.
Nagsagawa umano ng test ang mga personnel ng Urdaneta City Forensic Unit sa suspek matapos magsumite ng waiver.
Dinala naman ang suspek sa Eastern Pangasinan District Hospital Tayug, para sa kanyang physical/medical examination.
Kakaharapin naman nito ang paglabag sa RA 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 at RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ifmnews