PUV drivers at operators, dapat mabigyan agad ng relief assistance

Buo ang suporta ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe sa paglalaan ng pamahalaan ng P2.66 billion para tulungan ang 333,000 public utility drivers at operators.

Diin ni Poe, kailangang mabigyan ng relief assistance ang mga tsuper at operators na hindi ngayon makapasada at walang kita habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine dulot ng COVID-19.

Sa pagkakaalam ni Poe ay natukoy na ng Land Transportation Franchising Regulatory Board ang benepisyaryo ng nabanggit na ayudang pinansyal.


Umaasa si Poe na sa lalong madaling panahon ay maibibgay na ito sa mga tsuper at operators dahil sila at kanilang mga pamilya ay labis ng nahihirapan sa krisis na bunga ng COVID-19.

Facebook Comments