Malabo nang mabigyan ng ayuda ang mga driver ng Public Utility Vehicles (PUVs) sakaling ipatupad na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Goddess Hope Libiran na wala naman kasing mangyayaring tigil pasada kapag umiiral na ang ECQ.
Aniya, tuloy pa rin ang pampublikong transportasyoan at ang kaibahan lamang ay ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) lamang ang papayagang bumiyahe.
Una nang sinabi ng DOTr na nasa 50 percent capacity pa rin ang papayagan sa mga pampasaherong sasakyan at mahigpit na ipatutupad ang one seat apart set-up.
Facebook Comments