PUV DRIVERS SA REHIYON UNO, HINIKAYAT NA MAAGANG MAKIPAG-UGNAYAN SA MGA LGU KAUGNAY NG DISTRIBUSYON NG CASH ASSISTANCE

Hinikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office I ang mga public utility vehicle (PUV) drivers sa Ilocos Region na makipag-ugnayan agad sa kanilang lokal na pamahalaan upang tiyakin ang kanilang pagkakasama sa listahan ng mga benepisyaryo ng ₱5,000 cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Ayon kay Regional Director Marie Angela Gopalan, mahalagang beripikahin ng mga drayber ang kanilang karapatan sa benepisyo sa pamamagitan ng opisyal na listahan na isinumite ng mga LGU at katuwang na ahensya upang maiwasan ang pagkaantala sa payout.

Pinayuhan din ang mga drayber na ihanda ang kanilang valid driver’s license at iba pang kinakailangang dokumento para sa mas mabilis at maayos na distribusyon ng tulong.

Ayon sa tanggapan, tanging ang mga nakasama sa validated list ng mga benepisyaryo ang makatatanggap ng cash assistance, na layong suportahan ang mga drayber na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments