Manila, Philippines – Aarangkada na sa susunod na buwan ang mahigit tatlong libong modern Public Utility Vehicles.
Ayon sa Department of Transportation, nangako ang mga transport group na maglalabas na sila ng mga bagong pampasaherong jeep bilang suporta sa PUV modernization program ng pamahalaan.
Sa MOA signing, nangako rin ang isang private transport supplier na makapagde-deliver sila ng 20,000 bagong PUV kada-taon habang isa pang supplier ang tutulong sa mga operator para sa proseso ng financing requirements.
Dahil dito, inaasahang magkakaroon ng bagong mga jeep sa kalsada sa susunod na tatlo hanggang anim na buwan.
Tiniyak naman ng DOTr na tutulungan ng gobyerno ang mga jeepney driver at operators na makahanap ng panggastos para mapalitan ang mga luma nilang sasakyan.
<#m_-3659248396215327983_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>