PUV MODERNIZATION | Panghuhuli sa mga namamasada ng bulok na jeep, sisimulan na sa Lunes (January 8)

Manila, Philippines – Magsisimula nang manghuli ng mga luma at kakaragrag na jeep ang MMDA kasama ang Highway Patrol Group at Land Transportation Office sa Lunes, January 8.

Ito ay alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na ang mga bulok at mausok na sasakyan sa lansangan sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program.

Samantala, ayon kay LTO-NCR Director Atty. Clarence Guinto, hihigpitan na rin nila ang pagtanggap ng mga magpaparehistrong sasakyan.


Facebook Comments