Patuloy na isusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang modernization program para sa Public Utility Vehicles (PUVs).
Ayon sa LTFRB, ang transport cooperatives sa kanilang regional offices sa Cagayan, Valley, Central Visayas, at National Capital Region (NCR) ay nangakong ipagpapatupad ang implementasyon ng programa sa harap ng public health crisis.
Mananatiling committed ang LTFRB sa layunin ng PUV Modernization na magkaroon ng ligtas at maginhawang transportasyon habang tumatalima sa public health protocols.
Ang PUV Modernization program ay flagship transport project ng Duterte Administration sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).
Una nang sinabi ng DOTr na tuluy-tuloy ang programa kahit mayroong pandemya at sa kabila ng mga protesta mula sa iba’t ibang grupong tumututol dito.