Manila, Philippines – Alas siete ng umaga nang umarangkada ang Tanggal Bulok Tanggal Usok at Task Force KAMAO ang kanilang operasyon sa southern part ng Metro Manila.
Pinaghuhuli ng task force ang mga bulok, karag-karag, at mauusok na pampublikong sasakyan sa SM Sucat sa Dr A. Santos Avenue, C5 Road Extension, Paranaque.
Naglagay pa nga ng orange plastic barrier ang mga tauhan ng MMDA at doon pinadaan ang mga pampublikong sasakyan at isa isang ininspeksyon.
Mga jeepney na kalbo ang gulong ang tinikitan ng LTO habang na impound naman ang isang jeep dahil sa pekeng lisensya ng driver nito.
Maging mga tricycle, motorsiklo at mga rider na walang helmet ay hindi pinalusot ng mga tauhan ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT)
Ang Tanggal Bulok Tanggal Usok (for road worthiness) at Task Force KAMAO (for colorum and out-of-line) operation ay bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang PUV Modernization Program sa bansa.