PUV modernization program ng gobyerno ikinadismaya ng isang opisyal ng DOTr

Dismayado si Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Alberto Suansing sa kinakalabasan ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng gobyerno.

Ayon kay Assistant Secretary Suansing, nababagalan siya sa pagtatrabaho ng mga transport agencies na mahikayat ang iba’t-ibang grupong pang transportasyon na mag moderno ng kanilang sasakyan.

Paliwanag ni Suansing, wala pang 30 percent ang mga bagong players sa programa gayong naka-tatlong taon na ang implimentasyon ng programa.


Dagdag ni Suansing na  hindi pa kasama rito ang iba pang Public Utility Vehicles na kailangang gawing moderno tulad ng mga bus at Utility Vehicle (UV) Express.

Facebook Comments