Nakikiisa ang Gabriela Women’s Party-list sa transport strike na ikinasa ngayong araw ng grupong Piston at Manibela sa buong bansa.
Kaakibat nito ay pinababasura din ng grupong Gabriela kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang Public Utility Vehicle o PUV modernization program.
Giit ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Rep. Arlene Brosas, anti-poor ang programa dahil mga jeepney drivers at commuters ang tiyak na papasan sa transport crisis kapag tinuloy ang phaseout ng traditional jeepneys.
Tahasang sinabi ni Brosas na tanging layunin nito ay masiguro ang kita ng mga dayuhan at malalaking negosyanteng gumagawa ng modernong unit ng pampasaherong Jeep.
Ayon kay Brosas, ang pagtanggi ni Pangulong Marcos na mapalawig ang April 30 deadline para sa consolidation ng prangkisa sa ilalim ng PUV modernization ay tiyak na maghahatid ng gutom at kahirapan sa pamilya ng libu-libong apektadong jeepney drivers at operators.