Manila, Philippines – Suportado ng transport group na Pasang Masda ang isinusulong na Public Utility Vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno.
Nabatid na kasama sa inisyal na plano ay ang paglalagay ng aircon, Wi-Fi at posibleng tap card na ang gamiting pambayad.
Ayon kay Jojo Martin, Vice President ng grupo, malaking ginhawa ang maibibigay nito para sa mga pasahero.
Malaki rin aniya ang benepisyo nito para sa mga driver at operator.
Sa ilalim ng nasabing programa, magiging swelduhan na ang mga driver, magkakaroon na rin sila ng benepisyo sa SSS, Philhealth at Pag-Ibig, walong oras na lang ang magiging trabaho nila kada araw.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments