Pasado sa isinagawang Computerized Road Worthiness Test ang mga Modernong sasakyan na kabilang sa unang mga bibiyaheng mga Public Utility Vehicle sa pag-arangkada ng Transport Modernization Program sa susunod na taon.
Bukod sa pagpasa sa specification ay nakakuha ng pasadong Digital Smoke Emmission Test ang mga imported na sasakyan na mula sa Tsina.
Kabilang sa grupong gagamit ng mga sasakyang sumailalim sa pagsusuri ng LTO-Motor Vehicle Inspection Service ay ang grupong Pasang Masda at LIGA ng Transportasyon at Operator sa Pilipinas o LTOP.
Nagkaroon ng presentation sa mga bagong unit na sinaksihan nina Transportation Undersecretary Mark De Leon, dating LTO Chief at ngayon ay DOTr Consultant Bert Suansing, dating LTFRB Board Member at Head ng Lawyers for Commuters Safety and Protection Group Atty Ariel Inton.
Muling nilinaw ni Usec. De Leon na tuluy na tuloy ang implementasyon ng PUV Modernization Program sa july 2020 bagamat may one-year period pang ibinigay ang DOTr para makapag-modernized ang isang operator.
Ayon kina ka Lando Marquez ng grupong LTOP at ka Obet Martin ng Pasang Masda hindi na nila hihintayin pa ang ibinigay na isa pang taong palugit para maayus ang mga kakarag-karag na jeep dahil mapag-iiwanan sila kapag hindi sila pumasok sa Kooperatiba at baguhin ang kanilang mga sasakyan.