PUV Modernization Program, walang budget sa 2024

Walang pondo sa 2024 ang PUV Modernization Program sa ilalim ng panukalang budget ng Department of Transportation (DOTr).

Sa kabila na rin ito ng December deadline para sa consolidation ng mga PUVs.

Paliwanag ni Poe, ang zero budget sa programa ay dahil hindi pa rin nakakatugon ang ahensya para sa Local Public Transport Route Plan o route rationalization para sa PUV Modernization.


Ito ay bunsod na rin ng kabiguan ng ilang lokal na pamahalaan na tumugon sa pagbuo ng ruta.

Sinabi ni Poe na ang route rationalization ang isa sa requirement ng Land Bank at Development Bank of the Philippines para sa loan ng bawat kooperatiba para sa modernized jeepney.

Sinang-ayunan naman ni Poe ang suhestyon ni Senator Risa Hontiveros na muling kausapin ang dalawang bangko upang bumuo ng mga bagong hakbangin upang maisulong ang modernization at maiwasan ang mga transport strike.

Posible aniya nilang hilingin sa mga bangko na aprubahan ang loan kahit hindi pa natatapos ang route rationalization.

Facebook Comments