PUV operators, dinumog ang tanggapan ng LTFRB upang makakuha ng bagong fare matrix

Dinumog ng public utility vehicle (PUV) operators ang mga tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kahapon upang makakuha ng bagong fare matrix.

Kasunod ito ng unang araw ng pagpapatupad ng inaprubahang fare hike kahapon, October 3.

Requirement kasi ng LTFRB ang fare matrix upang makapaningil ang PUV drivers at operators ng bagong fare adjustments at dapat nakapaskil sa loob ng kanilang sasakyan.


Ngunit paliwanag ni LTFRB Chairperson Atty. Cheloy Garafil, mahigpit sila pagbibigay ng fare matrix bunsod ng ilang requirements at nakadepende sa dami ng aplikante na kumukuha ang bilis ng pagpapalabas nito.

Batay sa datos ng LTFRB, tanging 10% lamang ng 260,000 units nationwide ang nakakuha ng fare matrix kahapon.

Hindi naman nagkulang ang ahensya sa pagpapa-alala sa mga operators na kumuha na ng fare matrix dahil binuksan na nila ang pag-apply nito dalawang linggo na ang nakararaan.

Muling nagpaalala ang LTFRB na labag sa batas ang maningil ng inaprubahang pasahe kapag walang fare matrix at pagmumultahin ng 5,000 hanggang 15,000 pesos ang lalabag dito habang posible ring ma-impound ang sasakyan nito.

Facebook Comments