PUV operators, makakatanggap pa rin ng fuel subsidy sa Pamahalaan

Makakatanggap ng subsidy mula sa Pamahalaan ang mga operator ng Public Utility Vehicles (PUV).

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Martin Delgra III, inaasikaso na ng Department of Transportation (DOTr) ang cash assistance partikular ang fuel subsidy para sa PUVs.

Aniya, dagdag na ayuda ito sa mga PUV operator lalo na sa panahon ng pandemya.


Sinabi ni Delgra na mayroong fuel subsidy program para sa mga bus at pampasaherong jeepney maging sa mga UV Express at umaasa silang mailulunsad ito sa lalong madaling panahon.

Kahapon, nagbalik operasyon na pero sa limitadong kapasidad ang mga UV Express na susundan ng mga tradisyunal na jeep sa Huwebes o Biyernes.

Facebook Comments