PUV OPERATORS SA PANGASINAN, HINDI MUNA NANINGIL NG DAGDAG PISO SA PAMASAHE

Hindi muna naningil ang ilang mga PUV operators sa lalawigan ng Pangasinan sa unang araw ng pagpapatupad ng hininging provisional fare increase na dagdag piso sa mga pasahero nito.
Anila, bagamat umpisa na ngayong araw ang effectivity ng nasabing kautusan ay baka sa mga susunod na araw na lamang sila magdedeklara rin ng dagdag pasahe.
Kinokonsidera umano nila ang kanilang isinasakay na mga pasahero at maniningil na lamang kung lahat din ng mga pampasaherong sasakyan ay umpisa na rin umano sa pagpapatupad nito.

Sa pag-iral nito, 13 pesos na ang fare minimum sa PUJs o tradisyonal na mga jeep habang 15 pesos naman sa mga modernized PUV.
Samantala, hindi na nangangailangan ng fare matrix ang inimplementang dagdag piso dahil pansamantala lamang ang nasabing kautusan habang sumasailalim pa sa hearing ang mga kaugnay na isyung nakapaloob dito. |ifmnews
Facebook Comments